This is the Word of the Lourd…
Lourd de Veyra for Tiktok Pilipinas (shared by DAKILA):
“Matapos mong marinig ang lahat ng posibleng epekto ng nagbabagong klima mula sa pagkamatay ng polar bears hanggang sa mga magsasaka sa Isabela, mangingisda sa Cebu, artista sa Hollywood, misyonaryo sa Aprika, halaman sa Dubai, at kangaroo sa Australia; matapos mong marinig ang uri nang panganib na nagbabanta mismo sa iyo, sa nanay mo, asawa, anak, pinsan, babae, balae, bayaw, hipag, kapitbahay, katrabaho, kamukha, tukayo, at sino pa mang nakatura sa daigdig na to, ano ang gagawin mo?
Tatawa? Uupo? Kakain? Matutulog? Tuloy ang buhay?
Pare ko, wag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Paubos na ang oras. Hindi tumitigil ang kalaban. Tuminag ka na, sumama ka na. Hangga’t di pa huli ang lahat. Hangga’t mag pagkakataon pa. Hangga’t maaari pa tayong manalo.”
AMEN…